Sa ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, halos apat na libo at limang daang magsasaka ang apektado ng pagbaha matapos mapinsala ang mahigit labing walong libong ektaryang sakahan.
Ayon kay San Luis Mayor Venancio “Asyong” Macapagal, umabot sa humigit kumulang 61 million pesos ang napinsala sa kanilang bayan.
Bunsod nito, humihingi na ng ayuda sa pamahalaan ang mga magsasaka.
Sa isang ektarya, umaabot sa mahigit isandaang kaban ng palay ang maaani kung saan bawat kaban ay maaaring kumita ng isang libong piso.
Ayon sa alkalde ng bayan, humingi na sila ng tulong sa Pampanga government.
Bukod pa ito pakikipag-usap ng lokal na pamahalaan ng San Luis sa mga nagmamay-ari ng seed grower na tumulong sa mga magsasakang apektado ng baha
Umaasa naman ang mga magsasaka na maibibigay agad ang hinihiling nilang tulong mula sa pamahalaan upang muling makabalik sa kanilang hanapbuhay.
(Joshua Antonio / UNTV Correspondent)
Tags: apektado, ayuda, Mga magsasaka, pagbaha, Pamahalaan, Pampanga