Mga maapektuhang vendor sa rehabilitasyon ng Balintawak market, pansamantalang ililipat

by Radyo La Verdad | September 17, 2015 (Thursday) | 4913

joan_lilipat
Pinulong ngayong araw ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Quezon city ang mga vendor at market owners ng Balintawak market upang pagusapan ang gagawing rehabilitasyon sa pamilihan.

Tinalakay sa pulong ang mga pagbabagong gagawin ng mga market owner upang maisaayos ang palengke para na rin sa kapakanan ng mga namimili.

Kabilang sa mga pinag-usapan, ang compliance ng mga market owner sa sanitation, environmental, building at zoning requirements na itinalaga ng Quezon city government.

Ilan sa market administration ang kinakitaan ng hindi kumpletong mga clearance at requirements.

Plano ng Quezon city government na maisaayos ang kabuoan ng balintawak market.

Kaya naman inatasan na nito ang mga market owner na simulan nang ipa-assess sa kanilang mga engineer ang istruktura ng naturang pamilihan upang matukoy kung dapat na nga ba itong i-repair o tuluyan na itong ipapasara.

Binigyan ng animna pung araw ang mga market owner upang isagawa ang assesment sa kanilang pamilihan.

Habang ang mga illegal vendor naman ay may pagkakataong makalipat sa ibang private markets.

Maaring makipagugnayan sa kanilang market administration at maging sa Quezon city government ang sinomang legal vendor na nais mag-avail ng iniaalok na tulong para sa mga ito.

Una ng inihayag ni mayor herbert bautista ang gagawing pagsasaayos ng Balintawak market,kasabay ang panawagan sa mga vendors na sumunod sa mga kautusang ipinatutupad ng lokal na pamahalaan sa mga pamilihan.(Joan Nano/UNTV Correspondent)

Tags: ,