Dalawang libong ektrayang lupain at coastal area na sa Masbate ang nataniman ng iba’t ibang seedlings at mangroves ng Provincial Environment and Natural Resources bilang bahagi ng National Greening Program ng pamahalaan.
Ayon sa PENRO-Masbate, apat na raang ektarya na lamang ang target nilang mataniman ngayong taon sa bayan ng Mobo at San Jascinto sa Ticao Island.
Mas mababa ito kumpara ng mga nakalipas na taon.
Sa ngayon ay nag-iikot na ang mga kawani ng Regional Office ng Department of Environment and Natural Resources Region 5 para sa validation ng mga nataniman nang plantasyon.
Samantala hinhikayat pa rin ng PENRO-Masbate ang iba’t ibang people’s organization na makiisa sa pagtatanim ng mga seedling ng mga puno at mangroves sa lalawigan.
(Gerry Galicia / UNTV Correspondent)