Mga lungsod na wala pang firetruck, mabibigyan na ngayong taon – BFP

by Radyo La Verdad | February 21, 2017 (Tuesday) | 1896


Nakatakda nang dumating sa Pilipinas ang mga fire truck na ipinagkaloob ng Austrian government.

Ayon sa Department of Interior and Local Government, sa Marso at Hunyo ng taong ito inaasahang mapakikinabangan ang mga naturang trak ng bumbero na malaki ang maitutulong sa pagtugon sa mga insidente ng sunog.

Kabilang sa mga magiging recipient ng mga bagong firetruck ang ilang highly urbanized cities na walang sapat na gamit na pamatay ng sunog.

Ayon sa Bureau of Fire Protection wala ng magiging problema sa naturang firetrucks dahil ito’y transaksyon ng government to government.

Ayon kay BFP Chief Director Bobby Baruelo nainspeksyon na rin ang mga units ng nasabing firetrucks at nakahanda na for shipment.

Samantala, paiigtingin pa ng BFP ang pagpapatupad ng fire at building code gayundin ang patuloy na anunsyo ng pamahalaan sa publiko upang makaiwas sa insidente ng sunog.

Umapela ang BFP sa mamamayan na makiisa sa kanilang mga paalaala upang maging ligtas sa sunog.

(Bryan De Paz / UNTV Correspondent)

Tags: , ,