Mga lumang supply ng produktong petrolyo, hindi kasama sa papatawan ng dagdag buwis – DOE

by Radyo La Verdad | January 2, 2018 (Tuesday) | 2120

Hindi pa mararamdaman ng mga motorista ang epekto ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.

Ayon sa Department of Energy, hindi pa kasama sa papatawan ng karagdagang buwis ang mga lumang oil supply. Giit pa ng ahensya na dapat ubusin muna ang old stocks bago magpataw ng buwis sa mga produktong petrolyo. Nagpapadala naman aniya ng report ang mga kumpanya ng langis sa DOE para sa inventory ng kanilang stocks.

Aminado naman si DOE Assistant Secretary Pullido na pagsubok para sa kanila ang pag-momonitor sa independent fuel players at retail outlets dahil sa mga oil franchisees nagpapadala ng advisories ang mga ito.

Kung sakaling may ma-monitor na hindi makatarungang pagtaas sa presyo ng langis, ay maaring magsumbong sa consumer welfare and promotion office ng ahensya.

 

( Mai Bermudez / UNTV Correspondent )

Tags: , ,