Mga lumang school service na bibiyahe ngayong school year, huhulihin na ng LTFRB

by Radyo La Verdad | May 31, 2016 (Tuesday) | 1883

SCHOOL-BUS
Uumpisahan nang hulihin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang lahat ng mga lumang school service simula sa susunod na buwan.

Lahat ng mga school service na mayroon nang labing limang taon pataas ay hindi na papayagang makapag operate.

Noong nakaraang taon ay pinagbigyan na ng LTFRB ang kahilingan ng ilang mga school bus operator na magkaroon pa ng isang taong extension.

Subalit sa ikalawang pagkakataon ay muling nakiusap ang mga school bus operator, nakakuha na sila ng mga bagong sasakyan subalit sa susunod na taon pa magsisidating ang mga makina na euro 4 compliant.

Si Mang Oscar, luma na ang kanyang school service, subalit dahil sa wala silang ibang pagkakakitaan, ibibyahe nya pa rin ito ngayong taon.

Ayon sa LTFRB, dapat ay makasunod ang mga school bus operator sa mga kondisyon ng kagawaran

Kabilang dito ang proper markings sa mga school service, seatbelt sa mga upuan, first aid kita at iba pa.

Hindi naman nakatakdang magtaas ng singil ang mga school bus operators, P 1,300 pa rin ang fee kada buwan sa mga school service.

Dagdag lamang na P 300 para sa mga may aircondition na sasakyan

Ayon sa National Alliance of School Service Association of the Philippines o NASSAP, sumusulat sila sa DOTC upang makiusap na i-extend ang pag phase out subalit walang tugon ang kagawaran.

(Mon Jocson / UNTV Correspondent)

Tags: ,