Mga lumang pera, maaari pang magamit hanggang sa katapusan ng 2015

by Radyo La Verdad | May 27, 2015 (Wednesday) | 4829

LUMANG PERA
Nilinaw ng Bangko Sentral ng Pilipinas na dapat pa ring magamit na pambili ang mga lumang pera hanggang sa katapusan ng 2015.

Ayon sa BSP, ang mga lumang serye ng pera na inilabas noon pang 1985 ay maari pa ring gamitin na pambayad at panukli hanggang sa katapusan ng 2015.

Ngunit pagsapit ng 2016, ang mga bagong serye na lamang ng pera ang maaring gamitin.

Sakaling mayroon pa ring natitira o naitatabi na lumang serye ng pera sa susunod na taon, maaari itong mapapalitan sa mga banko o sa BSP simula January hanggang December ng taong 2016.

Dagdag pa ng BSP, kinakailangang mapapalitan ang lahat ng mga lumang serye ng limang piso haggang isang libong piso, dahil simula sa January 1, 2017 ay wala nang halaga ang mga ito.

December 2014, nang ianunsyo ng BSP ang demonetization sa mga lumang peso bill.

Sa ngayon ay sinisimulan na ng Central Bank ang pag-reretire ng mga lumang peso bill upang unti-unti nang maialis sa Automated Teller Machines o ATM ang mga ito at tanging ang mga bagong serye na lamang ang mai-didispense ng mga banko.(Joan Nano/UNTV News)

Tags: