Mga lumang pasaporte o MRTD di na tatanggapin sa South Africa

by Radyo La Verdad | March 18, 2016 (Friday) | 1986

PASSPORT
Pinapaalalahanan po natin ang mga kapwa natin pilipino na magtutungo o planong magtungo dito sa South Africa dahil hindi na tatanggapin ng South African Immigration ang lahat ng mga pasaporte na Machine Readable Travel Documents o MRTD sa mga papasok pa lamang sa rehiyon o kasalukuyang nandito na.

Kaya naman pinapayuhan ang lahat na magpagawa muna ng bagong passport bago magtungo dito.

Kung sakali namang nakapasok ng bansa ang sinomang foreigner na may valid visa subalit gamit pa rin ang lumang pasaporte ay magbabayad nito ng kaukulang halaga dahil sa invalid document.

Ngunit kung nasa lumang pasaporte naman ang valid visa ng isang bibisita sa South Africa ay kinakailangan pa ring dalhin nito ang lumang pasaporte kasama ng machine readable travel documents, hanggang sa panahong mailipat ang visa nito sa bagong pasaporte.

(Rico Rivadenera/UNTV NEWS)

Tags: ,