Mga lumalabag sa ‘no vaccination, no ride’ policy ng DOTR, kakaunti na

by Radyo La Verdad | January 24, 2022 (Monday) | 13051

Malaki ang pagbaba ng bilang ng mga lumalabag sa ipinatutupad na “no vax, no ride” policy ng IATF.

Sa inilabas na datos ng PNP mula sa i-ACT, mula sa 160 na lumabag noong Lunes, January 1, nakapagtala na lamang sila ng 102 noong Martes, 34 noong Miyerkules at Huwebes, habang walo na lamang noong Biyernes.

Ayon kay PNP Chief PGEN. Dionardo Carlos, magandang senyales ito na sumusunod at nakapaga-adjust na ang publiko sa polisiyang ipinatutupad ng pamahalaan.

Gayunman, pinaalalahan pa rin ni nito ang mga pulis na magpatupad ng maximum tolerance sa mga pasaway na ayaw pa ring sumunod sa polisiya.

Pinuri naman ng PNP Chief ang pulis na sinigaw-sigawan ng isang babaeng commuter  na nagbasag pa ng bote sa Taguig matapos na maharang sa checkpoint dahil walang maipakitang vaccination card.

Matatandaang ipinatupad ng IATF ang “no vaccination, no ride” sa mga pampublikong sasakyan sa ilalim ng alert level 3 sa Metro Manila upang mapigilan ang hawahan ng omicron Covid-19 variant.

Lea Ylagan | UNTV News

Tags: , , ,