METRO MANILA – Inaasahang sisimulan na ngayong Linggo ang panghuhuli ng Metropolitan Manila Develornt Authority (MMDA) sa mga motoristang lumalabag sa bike lane.
Ayon kay MMDA Acting Chairman Romando Artes, lalo pang dumarami ang mga lumalabag sa bike lane, na delikado para sa mga siklista na dumaraan sa maliit o malalaking kalsada.
Gayunman hindi na nagbigay pa ng eksaktong petsa ang MMDA kung kailan sisimulan ang panghuhuli.
Inaasahan na anomang araw mula ngayon ay ipatutupad ang polisiya ng walang anomang abiso upang hindi magkaroon ng ideya ang mga violator.
Tags: MMDA