Mga lumabag sa election gun ban ngayong 2016 tumaas kumpara noong election 2013

by Radyo La Verdad | June 9, 2016 (Thursday) | 1168

LEA_GUNBAN
Nasa 4661 ang kabuoang nahuli ng Philippine National Police na lumabag sa election gun ban ngayong 2016 mas mataas ito kumpara sa noong 2013 election na nasa 3724 lamang.

Gayunman, sinabi ni PNP PIO Chief PCSupt. Wilben Mayor, sa 150 araw na pagpapatupad ng election gun ban mas mataas ang bilang na nahuli ay pawang mga sibilyan na nasa 4460 kumpara noong 2013 na nasa 3437 lamang.

Taliwas ito sa mababang bilang naman na nahuling sundalo, government officials at pulis kung saan nasa 36 lamang na PNP personnel ngayong 2016 kumpara sa 50 noong 2013.

Mas mataas naman ang nakumpiskang firearms ngayon, maging ang deadly weapons at ammunition kumpara noong 2013.

Sa kabila nito sinabi nang tagapagsalita ng PNP na mas naging maayos naman ang halalan ngayon.

Samantala, bunsod nang pagtatapos ng election period ni recall na rin ng Police Security Protection Group ang 800 mga pulis na nagbigay seguridad sa mga kandidato., government leaders at private individuals.

Ayon PSPG Director PCSupt. Alfred Corpus, ang mga ito ay muling idideploy sa mga pulitiko na muling nag request ng police detail.

Subalit ipinaaalala anya sa mga protectee na bawal gawing alalay ang mga pulis tulad nang tagabuhat ng bag at tagatulak ng push cart tuwing naggogroceries.

Dagdag pa nito mahihirapan na ang mga pribadong indibidwal na magrequest ng police detail dahil tanging ang mga may seryosong banta lamang sa buhay ang kanilangbibigyan.

Aniya ang nais kasi ni Chief PNP ay limitahan na ang pagbibigay ng police detail sa mga private indibidwal upang madagdagan ang mga pulis na nagpapatrolya sa mga lansangan.

(Lea Ylagan / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,