Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na makitang personal ang naging pinsala ni bagyong Urduja sa bansa. Partikular na rito ang Visayas region kung saan ilang beses na nag-landfall ang bagyo.
Kaya naman sa kaniyang talumpati sa 7th year LGBT Davao Year-End Gathering sa Azuela Coven, Davao City. Sinabi ng Pangulo na magtutungo siya sa Visayas upang bisitahin ang mga apektadong lugar.
Kabilang na ang Samar at Leyte na nagtamo ng malaking pinsala dahil sa bagyo. Pagkagaling sa Davao ay tumungo si Pangulong Duterte sa General Santos City para dumalo sa kaarawan ni Sen. Manny Pacquiao.
Pagkatapos nito ay inaasahang tutungo na ang punong ehekutibo sa Visayas region para sa damage assessment.
( Dianne Ventura / UNTV Correspondent )
Tags: bagyong Urduja, Pangulong Duterte, Visayas