Mga lugar kung saan maaaring manigarilyo alinsunod sa nationwide smoking ban, tinukoy ng DILG at DOH

by Radyo La Verdad | September 5, 2017 (Tuesday) | 4669

Nagkakaroon pa rin ng kalituhan ngayon sa implementasyon ng nationwide smoking ban, partikular na kung saan ang mga designated smoking areas ng mga lungsod.

Sa panayam ni Kuya Daniel Razon kay Dept. of Interior and Local Government Asst. Sec. Epimaco Densing kahapon sa programang Huntahan ng Radyo La Verdad 1350, nilinaw nitong bagama’t dapat ay may mga smoking zone ang isang establisimento o gusali , meron pa rin namang open spaces kung saan maaaring manigarilyo ang isang indibidwal.

Ang mga LGU ang siya aniyang magpapatupad ng batas. Paliwanag ng Dept of Health, ang isang siyudad o lungsod ay may kanya-kanyang ordinansa patungkol sa smoking ban na dapat sundin.

Matatandaang ipinahayag ni Health Sec. Ubial noong nakaraang buwan na ang mga DILG ang may responsibilidad ng mahigpit na pagpapatupad at dapat mayroon silang smoke -free task force ang mga LGU.

Muli namang paalala ng DOH sa publiko, itawag lamang sa kanilang hotline ang mga makikitang lalabag sa batas

 

(Aiko Miguel / UNTV Correspondent)

 

 

Tags: , ,