Inaabangan ng sambayanang Pilipino sa bawat Presidential inauguration ang inaugural address ng bagong pangulo.
Inilalahad kasi dito ng presidente ang mga plano para sa bansa at ang dapat asahan ng taumbayan sa kanyang anim na taong panunungkulan.
Hindi naman mawawala sa bawat talumpati ang mga tag line o katagang tumatatak sa sambayanan.
Sa inagurasyon ng kauna-unahang pangulo na si Emilio Aguinaldo, sinabi nya na magiging kilala sa buong uniberso ang Republika ng Pilipinas.
Noong 1965 naman sa talumpati ni dating Pangulong Ferdinand Marcos tumatak ang katagang “This nation can be great again.”
Matapos mapatalsik ng people power revolution si Marcos, nanumpa bilang pangulo noong 1986 si Corazon Aquino at sa kanyang talumpati, sinabi nyang “Together we can rebuild our beautiful country.”
Sumikat naman noong 1998 sa inaugural address nidating Pangulong Joseph Estrada ang katagang “Walang kumpare” at “Huwag ninyo akong subukan.”
Hindi naman makalilimutan ang tag line na iniwan ng inaugural speech ni former President Benigno Aquino III anim na taon na ang nakalilipas na “kayo ang boss ko.”
At pasado alas 12 kahapon ay tumutok ang sambayanang Pilipino sa mga pangako at katagang binitawan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kanyang 5-minute inaugural address, tumatak sa taumbayan ang kanyang sinabing “I serve everyone and not only one” at “My adherence to due process and rule of law is uncompromising.”
(Aiko Miguel/UNTV Radio)
Tags: tag line