Mga LGU, pinagsusumite ng listahan para sa 2nd Tranche ng SAP

by Erika Endraca | May 20, 2020 (Wednesday) | 2934

METRO MANILA – Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG). Ang mga Local Government Units (LGU) na magsumite ng listahan ng mga pamilya na maaaring makatanggap ng ikalawang tranche ng cash aid sa ilalim ng Social Amelioration Program SAP.

Binigyan lang ng DILG ng hanggang Bukas, May 21, ang mga LGU para magsumite ang listahan.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, kabilang dapat sa ipapasang listahan ang mga low-income families.

Sasailalim naman sa validation ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang isusumiteng initial list ng second tranche recipients ng mga barangay.

Ayon naman kay DSWD Sec. Rolando Bautista, nakipag-ugnayan na sila sa pamunuan ng AFP at PNP para sa pamamahagi ng ayuda mula sa ikalawang bugso ng SAP.

Samantala, sinampahan na ng kasong kriminal ng PNP – criminal investigation and detection group ang 23 opisyal ng barangay kaugnay ng maanomalyang pamamahagi ng pera mula sa SAP.

Kabilang sa mga kinasuhan ang opisyal ng barangay sa san policarpio Eastern Samar na nagtanggal ng mga pangalan ng mga hindi bomoto sa kanya noong halalan.

Kasama rin ang 1  Punong Barangay sa Tondo Manila, na mga kaanak at kaibigan lamang ang isinali sa SAP,

Pati ang isang barangay chairman sa Pasay na isinali sa sap pati ang mga empleyado ng kanyang laundry shop.

Sa ulat naman ni DILG Secretary Eduardo Año sa pakikipagpulong IATF-EID kay Pangulong Duterte, sinabi nito na halos 200 barangay officials pa ang kasalukuyang iniimbestigahan  at meron ding mga alkalde na pinagpapaliwanag .

(Victor Cosare | UNTV News)

Tags: , ,