METRO MANILA – Bibigyan ng show cause order ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan na hindi nakatapos ng pamamahagi ng tulong pinansyal mula sa Social Amelioration Program (SAP).
Ayon kay DILG USEC. Jonathan Malaya, kinakalap pa nila kung anong mga lugar ang hindi nakatapos sa distribusyon ng SAP.
Pero noong Sabado ng gabi o isang araw bago ang deadline ay umabot na sa 88.43% ang bilang ng mga nabigyan na ng ayuda.
Ayon sa opisyal, maaaring bawiin ng pamahalaan ang mga hindi naipamahaging ayuda.
“5.40-under th moa between the DSWD and the LGU ay may karapatan si DSWD na hingin, to the demand the return of the undistributed money,” ani DILG USEC. Jonathan Malaya.
Nangunguna parin ang Caraga Region na may 100% payout rate; sinundan ng Region 5; Region 12; at Cordillera Administrative Region.
Ayon kay USEC. Malaya, ang mga karaniwang problema sa distribusyon gaya ng mga form ay agad namang nasosolusyunan subalit ang mga mabibigat na kaso ay isasampa sa korte.
“6.20medyo mabibigay yung corruption graft and corruption. kaya yung sa graft ay ine-endorse namin kaagad sa CIDG, kasi pag graft and corruption gusto namin may criminal charges din na i-file,” dagdag ni DILG USEC. Jonathan Malaya.
Bibigyan ng 15 araw ang mga LGU para isumite ang kanilang liquidation report o hanggang sa katapusan ng Mayo. Kung hindi ito maibibigay ay hindi sila mabibigyan ng pangalawang bugso ng SAP.
(Rey Pelayo)
Tags: DILG, LGU, SAP, Social Amelioration Program
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com