Mga LGU, maglalabas ng ordinansa para sa pagbabawal ng mass gatherings ngayong holiday season

by Erika Endraca | December 10, 2020 (Thursday) | 9622

METRO MANILA – May katapat na parusa na ang mga mahuhuling magsasagawa ng mass gatherings gaya ng reunion at karaoke party ngayong holiday season.

Ayon Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Epimaco Densing, nakapaloob ang detalye nito sa ilalabas na local ordinances ng mga lokal na pamahalaan.

“The punishment for those who violate monimum health standard is dependent on the executive orders, ordinaces or resolutions paseed hy the lgu. It’s always the basis for our pnp to arrest those who violate depending on the local ordinace.” ani DILG Undersecretary Epimaco Densing.

Ayon pa sa dilg katuwang nila ang Philippine National Police (PNP) upang bantayan din ang mga social media accounts para sa mga mag-uupload o magpo- post ng mga pagtitipon at kung nasusunod ang mga quarantine protocol.

Mag- iikot din aniya ang mga pnp upang ipatigil ang anumang mass gatherings Ilang ulit nang ipinaalala ng mga eksperto delikado pa rin ang pagsasama-sama ngayong holiday season dahil may banta pa rin ng Covid-19

Ayaw rin ng pamahalaan na magkatotoo ang projection ng mga eskperto na posibleng magkaroon ng holiday surge at umabot sa kalahating milyon ang Covid-19 cases sa bansa pagkatapos ng holiday season.

Muling nagpayo ang doh na magsagawa na lang online gatherings, online shopping kaysa magtipon sa iisang lugar.

“I think, the reasons are basically the same. The increased mobility of people because of the holiday seasons. This is also why this is a warning to all of us that if we let our guard down, you’re going to see what we’ve been saying all along–the surge in the number of cases.” ani DOH Sec. Francisco Duque III.

Samantala, ayon naman kay DOT Asst. Sec Maria Rico Bueno, maglalabas ng joint memorandum circular ang kagawaran kasama ang department of trade and indurstry na magsisilbing guidelines sa pagsasagawa ng workshops, tranings at seminars sa mga lugar na nasa GCQ.

30% nga lang aniya ng venue capacity ang inaprubahang maaaring dumalo sa mga piliing aktibidadad at lugar. Ang mga lugar aniya na ito ay mga restaurant, function rooms sa loob ng hotels

“Meron na pong na-draft kasi naatasan ang dot at dti na gumawa ng IRR for this we alreadry drafted it and its currently being reviewd by the DTI. Very careful po ang ginawang pagsusuri para yung recommnedation narin is really on a gradual basis.” ani DOT Asst. Sec Maria Rico Bueno.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: , , ,