Mga laruan na mapanganib sa kalusugan, tinukoy ng Ecowaste Coalition

by Radyo La Verdad | December 1, 2015 (Tuesday) | 3129

JOAN_SAFETY
Iprinisinta ng Ecowaste Coalition ang mga laruan na mapanganib sa kalusugan ng mga bata dahil sa nakalalasong kemikal na taglay ng mga ito.

Layon nito na mabigyang babala ang publiko sa pagbili ng mga laruan ngayong holiday season.

Ilan sa laruan na natukoy na may mataas na content ng kemikal ay ang dinosaur pvc animal play set, kids world stuffed clown, pangatlo ang baby and music xylphone, sunod rito ang ninja turtle at ang soft ball toy.

Ang mga laruan ay nabili ng Ecowaste Coalition sa Divisoria market na nagkakahalaga ng ten pesos hanggang 150 pesos.

Kaugnay nito inilunsad ngayon ng grupo ang safe toys campaign upang bigyang gabay ang publiko na mamimili ng mga laruan ngayong holiday season.

Paala ng Ecowaste sa mga mamimili, iwasang bumili ng mga laruan na may matitingkad na pintura, gayundin ang mga laruan na lubhang maliit ang sukat na maaring malunok ng mga bata.

Dapat ring iwasan ang mga laruang matutulis na maaring makasugat at may mga tali na maaring makasakal sa bata.

Sa halip na mga makukulay na laruan, payo ng ecowaste mas makabubuti na bigyan na lamang ang mga bata ng educational materials o mga damit

Sa ngayon ay marami pa ring mga laruan na may lead content ang ibinebenta sa murang halaga sa merkado.

Muli namang nanawagan sa pamahalaan ang grupo na magpatupad ng mas mahigipit na batas sa importation upang hindi na makapasok sa bansa ang ganitong uri ng mga produkto.(Joan Nano/UNTV Correspondent)

Tags: , ,