Mga lalabag sa Nationwide smoking ban, maaari nang isumbong online

by Radyo La Verdad | August 7, 2017 (Monday) | 7261

Maaari nang isumbong sa pamamagitan ng website na inilunsad ng Department of Education ang sinomang lalabag sa Nationwide smoking ban.

Sa ilalim ng eskweLA BAN sa sigarilyo program ng DepEd sa pakikipagtulungan ng Tobacco-Free Kids o TFK action fund, maire-report na online ang sinomang indibidwal at maging mga establisyemento na lalabag sa batas na nagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.

Ayon sa DepEd-TFK, responsibilidad ng Barangay at City o Town officials na penahan ang mga mahuhuling lumalabag sa Nationwide smoking ban mula sa sari-sari store hanggang sa malalaking establisyemento sa pamamagitan ng pagkansela sa kanilang business permit.

Sinabi naman ni DepEd undersecretary Alberto Muyot na maaaring maharap sa kasong administratibo ang Local Government Officials kapag napatunayang hindi ginawan ng aksyon ang ipinadalang report sa kanila.

Sa mga nagnanais magsumbong, bumisita lamang sa www.tobaccofreedeped.org, i-click ang ‘reporting’at i-fill out ang incident report form bago i-submit.

Tags: , ,