Kahapon ay lumapag ang isang Slovakian aircraft sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Dala nito ang mga labi ng 36 year old na OFW na Henry Acorda.
Sakay ng eroplano ang ina ni Henry at si Philippine Ambassador to Viena- Cleofe Natividad.
Sinalubong si Henry ng mga malalapit na kamaganak suot ang t-shirt na nagpapahayag ng paghingi ng hustisya.
Kabilang rin sa umasiste sina Department of Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano at mga opisyal ng OWWA at POEA.
Ayon kay Cayetano, patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Slovakian government upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Acorda.
Si Henry ay isang financial analyst sa Slovakia. Nasawi ito dahil sa pagtatanggol sa kasamang Filipina na hinaharass ng isang ng isang Slovak National noong ika-26 ng Mayo.
Nakadetine na ang suspek at nahaharap sa kasong manslaughter na may parusang pagkakakulong ng pito hanggang 12 taon.
Makakakuha ng financial assistance mula sa OWWA ang pamilya Acorda bukod sa ipagkakaloob na tulong ng DFA.
Sa Sabado inaasahang ililibing ang mga labi ni Acorda.
( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )