Tutol ang isang mambabatas na ibalik sa mano mano ang sistema ng halalan sa bansa.
Lumabas ang usapin ng pagbabalik sa manual system matapos maglabas ng Temporary Restraining Order ang Korte Suprema na pansamantalang pumipigil sa kontrata ng Comelec at Smartmatic para sa diagnostics and repair ng mahigit 80 libong pcos machines na kakailanganin sa 2016 elections.
Kinuwestyon ng ilang grupo sa Supreme Court ang 268-million peso contract dahil hindi dumaan sa public bidding.
Pero ayon kay Valenzuela Rep.Sherwin Gatchalian, mas praktikal pa rin na gamitin ang PCOS Machines lalo’t available na ang mga makina.
Pero kailangang ayusin munang commission on elections ang ilang transparency issues ng makina upang maalis ang duda ng taumbayan.
Tiniyak naman ng Comelec na handa silang buksan ang source code review upang patunayan na secured na gamitin ang mga makina.
Ayon kay Comelec Spokesman Director James Jimenez,dalawang beses magkakaroon ng source code review sa kukuning 23 libong bagong OMR machines habang isang beses namang isasalilalim sa source code review ang mahigit sa 80 libong lumang PCOS machines kapag natapos na ang diagnostics at repair sa mga ito.
Sa ngayon pinag aaralan naman ng Poll Body ang ibang alternatibo sakaling hindi alsin ng Supreme Court ang TRO. ( Victor Cosare/ UNTV News Senior Correspondent )
Tags: Comelec Spokesman Director James Jimenez, Valenzuela Rep. Sherwin Gatchalian