Mga kumpanya sa bansa, inaasahang mas maraming bubuksang trabaho sa second quarter ng taon ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas

by Radyo La Verdad | February 29, 2016 (Monday) | 5821

BSP
Inaasahang mas maraming bilang ng trabaho ang bubuksan ng mga kumpanya sa bansa pagpasok ng second quarter ng 2016 ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Ayon kay BSP Department of Economic Statistics Director Rosanel Guerrero, bunsod ito ng lumabas na employment outlook index o inaasahang employment percentage para sa unang quarter ng taon.

Anya, umabot sa 27.2 percent ang index para sa nasabing quarter na mas mataas sa 19.5 percent noong last quarter ng 2015.

Bukod dito, aabot din sa 31.3 percent ng mga negosyo sa ilalim ng industry sector ang nagpa-plano ng expansion sa ikalawang quarter ng taon dahilan upang asahan ang mas malaking employment percentage sa naturang quarter.

Tags: , , ,