Mga kumpanya ng langis, nagpatupad ng panibagong dagdag presyo sa mga produktong Petrolyo Ngayong Araw (Dec. 31)

by Erika Endraca | December 31, 2019 (Tuesday) | 14535

METRO MANILA – Epektibo na kaninang alas-6 ng umaga (Dec. 31) ang panibago nanamang oil price hike na ipinatupad ng ilang kumpanya ng langis.

Base sa abiso ng Petron, Flying V at Seaoil, P0.50 ang itataas sa kada litro ng kanilang Diesel, P0.85 sa gasolina at P0.35 naman sa Kerosene.

Kaparehong halaga rin ang ipapataw ng Phoenix Petroluim, PTT at Perto Gazz sa Diesel at gasolina.

Sa January 1, 2020 naman magiging epektibo ang oil price hike ng Cleanfuel na P0.85 sa gasolina at P0.50 sa Diesel.

Una naring nagpatupad ng dagdag presyo ang Caltex kaninang hating gabi (Dec. 31).

Ayon sa mga industry player ang hindi pa kasama sa dagdag presyo ang ipatutupad na dagdag buwis sa langis sa unang bahagi ng taong 2020.

Samantala inaasahan ding tataas ang presyo ng LPG sa Enero. P7-8 kilo o P77-P88 kada 11 kilogram na tangke ang ipatutupad na dagdag presyo.

(Joan Nano | UNTV News)

Tags: