Mga kumpanya ng langis, muling magpapatupad ng oil price hike

by Radyo La Verdad | February 11, 2019 (Monday) | 3956

Matapos ang ilang sentimong rollback noong nakaraang linggo, magpapatupad naman ng halos pisong dagdag sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis ngayong linggo.

Epektibo alas-sais ng umaga bukas, February 12, 90 sentimos ang madadagdag sa presyo ng kada litro ng gasolina ng Shell, Petro Gazz, Eastern Petroleum, PTT Philippines at Phoenix Petroleum.

Habang 55 centavos naman ang madadagdag sa kada litro ng diesel.

Ang ilang kumpanya magpapatupad ng 85 centavos per liter na increase sa kerosene.

Samantala, malaking porsyento na rin ng mga gasoline station sa buong bansa ang nagpapatupad na ng dagdag na excise tax sa langis.

Kaugnay ng oil price hike nanawagan naman si Senator Bam Aquino kay Pangulong Rodrigo Duterte na suspindehin ang implementasyon ng dagdag buwis sa langis.

Tags: ,