Matapos ang dalawang sunod na linggong oil price hike, inaasahang bababa naman ang presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo.
Ito ay dahil sa pagbagsak umano ng presyo ng krudo sa International market.
Sa pagtaya ng oil industry players, singkwenta hanggang sisenta sentimos ang mababawas sa presyo ng kada litro ng diesel at kerosene.
Habang kinse hanggang bente singko sentimos naman kada litro ang posibleng rollback sa presyo ng gasolina.
Tags: International market, oil industry players, produktong petrolyo