Mga kritiko ng war on drugs campaign ng pamahalaan, tinawag na ingrato ni PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa

by Radyo La Verdad | October 4, 2017 (Wednesday) | 3079

Matapos maglabas ng sama ng loob sa ilang kawani ng media kahapon, binalingan naman ngayon ni PNP Chief Ronald Dela Rosa ang mga kritiko ng war on drugs ng PNP.

Ayon kay Dela Rosa, wala siyang sinasabihang partikular na tao kundi lahat ng mga kritiko ng kampanya kontra iligal na droga ng pambansang pulisya.

Naniniwala rin si Dela Rosa na totoo ang resulta ng ginawang survey ng Social Weather Station.

Kinuha ng SWS ang opinyon ng publiko hinggil sa “hindi napapatay ang mga mayayaman na drug pusher, ang mga pinapatay ang mahihirap lamang”. 33% ang sumangayon habang nasa 11% lamang ang tumutol.

Sinagot naman ng hepe ng pambansang pulisya na wala umanong napapatay na mayayamang drug pusher.

Muli namang sinabi ni Dela Rosa na hindi maiiwasan na may mamatay sa kanilang mga operasyon dahil hindi nila kontrolado ang sitwasyon,  ito man ay ang nanlalaban na suspek o ang mismong pulis na nilalabanan.

 

( Mon Jocson / UNTV Correspondent )

 

 

 

Tags: , ,