Nagpahayag na rin ng pagsuporta sa pagsusulong ng pagbabalik ng parusang kamatayan sa bansa ang mga party leader na kabilang sa majority coalition ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, ito ay matapos ang kanilang isinagawang caucus kahapon na nagtagal ng halos tatlong oras.
Ayon pa kay Alvarez, napagkasunduan nila na bawasan ang mga krimen na nasa ilalim ng death penalty reimposition bill.
Kabilang dito ang plunder na hahayaan na lang aniya nila sa kasalukuyang plunder law.
Dagdag pa nang house speaker, hindi na rin gagawing mandatory ang pagpapataw ng parusang kamatayan.
Binigyang-diin naman ni Rep. Alvarez na seryoso siya sa kaniyang pahayag na pagtatanggal sa mga nasa leadership post gaya ng committee chairs na tutol sa naturang panukala.
Kabilang sa mga kilalang tutol sa death penalty reimposition sina leader Rudy Farinas at Deputy Speaker at dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Tiwala naman ang house speaker na sa kabila ng delaying tactics ng opposition bloc ay agad na makakapasa sa lower house ang kontrobersyal na panukala.
(UNTV News)
Tags: babawasan – Rep. Alvarez, Mga krimen na nasa ilalim death penalty reimposition bill