METRO MANILA – Magtuturo at popondohan ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech) ang mga kooperatiba para mapalakas ang coconut industry sa bansa.
Gagabayan at tuturuan ang mga kooperatiba ng 3 taon upang magsanay sila sa pag-produce ng “value-added coconut products” gaya ng crude coconut oil, processed coconut oil, virgin coconut oil, desiccated coconut, coconut coir, at coconut sap.
Pangungunahan ng ahensya ang pagtatatag ng mga Shared Processing Facilities (SPFs) para sa mga kwalipikadong kooperatiba ng mga magsasaka ng niyog at maglalaan ng P500-M budget para sa loob ng 12 buwan.
Ang mga kooperatiba ay nararapat na magpatala sa Cooperative Development Authority, may mahigit 100 miyembro at mayroong 5,000 araw-araw na produksiyon ng niyog upang makapasang benepisaryo.
(Ritz Barredo | La Verdad Correspondent)
Tags: coconut industry, PhilMech