Mga konsehal at kawani ng Makati, di pa matatanggap ang sahod

by monaliza | March 25, 2015 (Wednesday) | 1767

payroll

Hindi makakatanggap ng kanilang sahod ang may labing pitong konsehal at ang nasa mahigit isang daang kawani ng Makati dahil sa usapin ng pagkakaroon ng dalawang alkalde.

Ito’y matapos na hindi lagdaan ni acting mayor Romulo “Kid” Peña ang tseke para sa kanilang sahod dahil iginigiit nitong siya ang acting mayor ng lungsod.

Sa batas nakasaad na sa bise alkalde nakaatas ang pag-otorisa sa disbursement ng sahod ng sangguniang panlalawigan.

Samantala, natanggap na ng mahigit 8,000 empleyado ng munisipyo ang kanilang sahod matapos pirmahan ni mayor Junjun Binay ang vouchers para sa Marso at Abril.