Mga kongresista, kinuwestiyon ang maliit na pondo para sa DOLE livelihood project

by Radyo La Verdad | August 31, 2018 (Friday) | 5020

75% ng halos dalawang bilyong pondo ng Department of Labor and Employement (DOLE) noong 2017 para sa livelihood programs ay napunta sa administrative cost.

Habang 5% lamang ang napunta sa mga proyekto ayon 2017 Commission on Audit (COA) report na hawak ni ACTS-OFW Partylist Rep. John Bertiz.

Sa pagtalakay ng Kamara sa panukalang pondo ng kagawaran kahapon, kinwestyon ng mambabatas kung bakit maliit lamang ang napuntang pondo sa mga proyektong para sa publiko. Dapat aniya ay 5% lamang ng pondo ang napunta sa administrative cost.

Zero budget din umano ang Region I Tulong Panghanap-buhay sa Ating Disadvantaged / Displaced Workers (TUPAD) program.

Ngunit depensa ni DOLE Sec. Silvestre Bello III, nagamit nila ng maayos ang kanilang pondo at nagpakita pa ito ng katibayan base sa kanilang datos.

Maging isa sa mga kongresistang kinatawan ng Region I,  pinabulaanang binigyang ng zero budget ng DOLE ang kanyang distrito.

Nagkainitan naman ang ilang kongresista nang sabihin ng mga ito na peke ang datos na hawak ni Bertiz.

Tinikyak ng mga kongresistang kasama ni Bertiz na kung hindi maipapaliwanag ng DOLE ang isyu ay posibleng silang maharap sa kasong administratibo.

 

( Grace Casin / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,