Mga kasunduang pipirmahan sa pagbisita ni Pangulong Duterte sa China, isinasapinal pa – DFA

by Radyo La Verdad | October 14, 2016 (Friday) | 1305

dfa
Nakatakdang bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa Brunei at China sa susunod na linggo.

Makikipag-pulong ang pangulo kina Brunei Sultan Haji Hassanal Bolkiah at Chinese President Xi Jinping.

Dadalawin din ni Pangulong Duterte ang Filipino community sa mga naturang bansa.

Kabilang sa program of activity ni Pangulong Duterte ang pagtungo sa Chinese law enforcement at drug rehabilitation centers.

Nababanggit na rin ng pangulo ang plano nitong pakikipag-usap sa China upang buksan ang oportunidad ng bilateral trade ng dalawang bansa.

Layon ng mga kasunduang ito na paiigtingin ang bilateral cooperationkabilang na ang pag-imbita ng mas maraming foreign direct investors sa Pilipinas.

Inaasahan namang mapag-uusapan din sa pulong ang isyu sa maritime dispute sa West Philippine Sea.

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

Tags: , ,