Handang harapin ni dating Vice President Jejomar Binay ang mga kaso ng katiwalian na isinampa ng Office of the Ombudsman laban sa kanya at sa anak niyang si dismissed Makati Mayor Junjun Binay.
Kaugnay ito sa maanomalyang pagpapagawa ng phase 1, 2 at 3 ng Makati city cark park building mula 2007 hanggang 2013.
Ngunit ayon sa kampo ng mga Binay, lumabag ang Ombudsman sa due process, constitutional rights at maging sa mga sarili nitong rules dahil sa pagmamadali na masampahan ng kaso ang mga Binay.
Dagdag pa ni Atty.Joey Salgado,tagapagsalita ng mga Binay, ang pagsasampa ng kaso ay isang uri umano ng diversionary tactic ng Ombudsman para malihis ang atensyon ng publiko sa imbestigasyon ng Disbursement Acceleration Program o DAP kung saan pinapanagot si dating Pres. Benigno Aquino III at dating Budget Sec.Florencio Abad.
Una nang binigyang diin ng Ombudsman Conchita Carpio Morales na walang bahid ng pulitika ang pagsasampa ng kaso, at ang tanging pinagbabatayan lang ay ang mga ebidensya laban sa mga akusado.
(Joyce Balancio / UNTV Correspondent)