Pinaghahandaan na ng isang grupo ng mga abogado ang pagsasampa ng reklamo laban kay Pangulong Benigno Aquino III sa pagbaba nito sa pwesto sa 2016.
Ipinahayag ni Atty. Edre Olalia, secretary general ng National Union of Peoples’ Lawyers na posibleng kasuhan nila ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees si Pangulong Aquino matapos nitong pahintulutan ang noo’y suspended PNP Chief Alan Purisima na makialam sa Oplan Exodus.
Bukod dito ay kakasuhan din anila ng contempt, inducing usurpation of authority at obstruction of justice ang Pangulo matapos na hindi magbigay ng testimonya sa mga nag-iimbestiga sa nangyaring engkwentro.