Mga kaso ng pagpatay sa human rights activists, hindi ipinagwawalang bahala ng pamahalaan ayon sa Malakanyang.

by Radyo La Verdad | January 8, 2016 (Friday) | 934

COLOMA

Tiniyak ng Malacanang na hindi ipinagwawalang bahala at kinukunsinte ng pamahalaan ang mga kaso ng pagpatay sa mga human rights activist.

Ginawa ng Malacanang ang pahayag matapos lumabas ang isang pagaaral ng Dublin based human rights group na nasa pangalawa sa listahan ng mga bansang may mataas na bilang ng kaso ng naturang insidente ang Pilipinas, pangalawa sa Latin America.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr., patuloy na ginagawa ng Commission on Human Rights ang kanilang tungkulin upang tukuyin ang mga ulat kaugnay ng pagpaslang sa mga nasabing tagapagtaguyod ng karapatang pantao.

Ilang mahahalagang hakbang na rin aniya ang isinagawa ng administrasyong Aquino upang maitaguyod ang karapatang pantao.

Kabilang dito aniya ang pagbubuo ng isang Human Rights Victims’ Claims Board para mabigyan ng kaukulang bayad ang mga naging biktima ng nakaraang Martial Law.

(Jerico Albano / UNTV Radio Reporter)