Mga kaso ng COVID-19 sa PH, posibleng tumaas dahil sa pagpasok ng flirt variant – DOH

by Radyo La Verdad | June 7, 2024 (Friday) | 1128

METRO MANILA – Naniniwala ang Department of Health (DOH) na posibleng tumaas ang mga kaso ng COVID-19 sa pilipinas dahil sa pagpasok ng flirt variant.

Ayon kay DOH Spokesperson Assistant Secretary Albert Domingo, 2 kaso na ng JN.1.18 at 30 kaso ng JN.1 na pinanggalingan ng flirt variant ang nakumpirma sa bansa batay sa huling datos na inilabas ng Philippine Genome Center.

Maaari anilang noong nakaraang 2 hanggang 3 Linggo pa kumalat sa bansa ang Flirt variant ngunit ngayon lang ito nakumpirma sa genome testing.

Sa kabila nito, wala naman kakaibang sintomas ang mga bagong variant na ito tulad ng orihinal na COVID-19 variant.

Tags: