Mga kaso ng COVID-19 Delta variant sa Pilipinas, nadagdagan ng 12

by Erika Endraca | July 23, 2021 (Friday) | 955

METRO MANILA – Nadagdagan ng 12 ang locale cases ng Delta variant sa bansa ayon sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH) nitong Huwebes (Hulyo 22).

Anim sa mga bagong kaso ay mula sa Region III, tatlo sa NCR, dalawa sa CALABARZON, at isa naman sa Region V.

“All cases have been tagged as recovered but their outcomes are being validated by our regional and local health offices,” saad ng ahensya.

Samantala, 187 na kaso ang nadagdag sa Alpha variant, 142 sa Beta variant, at 12 naman sa P.3 variant.

Nagpaalalang muli ang kagawaran sa publiko na sumunod sa minimum public health standards at umiwas sa mga enclosed at matataong lugar.

(Rhuss Egano | La Verdad Correspondent)

Tags: