Mga kandidatong nagbibigay ng suporta sa NPA, binalaan ng PNP

by Erika Endraca | April 16, 2019 (Tuesday) | 9628

Manila, Philippines – Nagbabala si PNP Chief PGen. Oscar Albayalde sa halos 400 kandidato na nagbibigay ng suporta sa pamamagitan ng extortion money sa rebeldeng New People’s Army o NPA.

Ayon kay Albayalde, may listahan sila ng 394 na mga kandidato na nagbigay ng pera noong nakaraang eleksyon at patuloy na nagbibigay ng suporta sa rebeldeng grupo.

Kaya naman patuloy ang monitoring nila sa mga ito lalo nat nalalapit na ang midterm elections. Kabilang aniya sa nasa listahan nila na ibinigay ng DILG ay ang:

11 Provincial Governors

5 Vice Governors

10 Provincial Board Members

55 Mayors

21 Vice Mayors

41 Councillors

50 Brgy Councilors

126 Barangay chairmen

8 Other Brgy. Officials

“ Sa ngayon there are just being monitored, we have to get hard evidence para dito, this are all intelligence information that we get na meron tayong nakuhang information that they give extortion money to the cpp- npa” ani Pnp Chief PGen. Oscar Albayalde.

Babala ni Gen. Albayalde, maaaring kasuhan ang mga ito kung mahuhuling nagbibigay ng pera sa npa na kalaban ng estado.

Possible criminal liability for violation RA 10168 or the terrorism financing prevention and suppression act of 2012. If it is proven that fee is made as part of a conspiracy to overthrow the government, the donor may be held liable as co-conspirator of the crime of rebellion.

Dagdag ni PNP Chief , nasa P195.5 milyon pesos na ang nakolektang extortion money ng npa sa mga pulitiko simula noong 2016 hanggang 2018.

(Lea Ylagan – Untv News)


Tags: , ,