Mga kandidatong mangangampanya sa conflict-affected areas, bibigyan ng seguridad ng AFP

by Radyo La Verdad | February 18, 2016 (Thursday) | 2297

AFP
Maaaring magprovide ng pwersa ng mga sundalo ang Armed Forces of the Philippines o AFP sa mga kandidatong nagbabalak na mangampanya sa mga lugar kung saan mayroong banta sa seguridad dahil sa mga armado at bandidong grupo tulad ng New People’s Army.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Noel Detoyato, maari nilang bigyan ng area security mapa-national o locale candidate

Nilinaw naman ng AFP Public Affairs Office na hindi pinapayagan ang sinumang sundalo na maging security personnel o escort ng kahit sinumang kandidato.

Ang buong pwersa ng AFP ay nakapailalim sa Commission on Elections pagdating sa election related duties.

Dagdag pa rito, muli ring nagpaalala ang AFP na agad na i-report sa kanila upang maaksyunan ang mga kandidatong kinikikilan ng mga bandido sa pamamagitan ng permit to campaign o permit to win,

Samantala, hindi titigil ang AFP sa kanilang combat operations laban sa iba pang armadong grupong banta rin sa May 2016 national elections.

(Rosalie Coz/UNTV News)

Tags: , ,