METRO MANILA – Mahigpit na pinaalalahanan ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Dionardo Carlos ang mga pulitikong tumatakbo sa local at national election 2022 na sundin ang campaign guidelines kabilang ang direktiba ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pagbabawal sa pagdaraos ng mga caravan sa mga pangunahing lansangan tuwing weekdays.
Ayon sa kanyang pahayag nitong February 12, ang nasabing kautusan ay makatutulong sa mga motorista at pasahero na bumibiyahe na makarating ng maayos sa kanilang pupuntahan kapag weekdays.
Humingi rin siya ng pangunawa sa mga kandidato at sa kani-kanilang mga taga-suporta dahil maiiwasan ang pagbigat ng trapiko at delay sa publiko.
Dagdag pa ni Carlos, kinakailangan munang kumuha ng permit sa Local Government Unit (LGU) ang mga kandidatong nagnanais magsagawa ng motorcade o caravan at handa naman ang pulisya sa pag-assist upang maging mapanatiling maayos ang daloy ng trapiko.
(Judren Soriano | La Verdad Correspondent)