Muling binisita nina Presidential candidate Grace Poe at ng running mate nito na si Senator Chiz Escudero ang probinsya ng Cebu.
Bandang alas otso ng umaga ay nasa Toledo City, Cebu na ang Poe-Escudero tandem upang muling suyuin ang mga Cebuano.
Sa laki ng probinsya, apat na beses nang pabalik-balik ang mga ito upang malibot ang mga distrito nito.
Pinuntahan din ng Grace-Chiz tandem ang University of the Visayas-Toledo upang sagutin ang ilang katanungan ng mga estudyante kabilang na dito ang isyu kaugnay sa anti-dynasty bill
Samantala, ibinida naman ni Pangulong Benigno Aquino the third sina Presidentiable Mar Roxas at Vice Presidentiable Leni Robredo sa League of Municipalities General Assembly sa Pasay City.
Ayon sa Pangulo, makakaasa ang mga alkalde na maipagpapatuloy ng dalawa ang pagbabago o reporma sa lipunang kaniyang inumpisahan.
Sa Laguna naman nagtungo ang partido ni Vice President Jejomar Binay ngayong myerkules
Ang lalawigan ay kilalang balwarte ng United Nationalist Alliance o UNA
Mas malaki ang nakuhang boto rito ni Binay kumpara kay Mar Roxas sa Vice Presidential race noong 2010 election
Sa talumpati ni VP Binay, tiniyak nitong ipagpapatuloy ang Pantawid Pamilya Program sakaling sya ang mahalal na pangulo ng bansa
Samantala, si Vice Presidentiable Bongbong Marcos naman ay nagtungo sa Bangued Abra ngunit hindi nito kasama si Presidential candidate Miriam Defensor-Santiago dahil may iba itong commitment
Ang grupo naman ni Mayor Rodrigo Duterte ay sa Tuguegarao, Cagayan nangampanya ngayong Myerkules.
(Sherwin Culubong/UNTV News)
Tags: May 2016 elections