Mga kandidato nakahabol sa SOCE submission

by Radyo La Verdad | June 9, 2016 (Thursday) | 1089

soce
Striktong ipinatupad kahapon ng Commission on Election ang 5PM deadline ng pagpapasa ng SOCE o Statement of Contributions and Expenditures ng mga kandidato noong nakaraang halalan.

Mayorya ng mga kandidato sa national position ang nagsumite sa oras ng kanilang mga SOCE kabilang na sina President Elect Rodrigo Duterte at Vice-President Elect Leni Robredo.

Ayon sa kanyang SOCE, 375 million pesos ang kontribusyong tinanggap ni Duterte subalit nasa 371 million pesos lamang ang nagastos sa kampanya kabilang na angdalawandaang libong piso ay mula sa kanilang sariling bulsa.

Ire-review ng COMELEC ang mga isinumiteng dokumento ng mga kandidato at maaring magsampa ng reklamo laban sa mga kandidatong gumastos ng sobra sa itinakda ng poll body.

(Victor Cosare/UNTV Radio)

Tags: