METRO MANILA – Kasabay ng paghahanda ng national government sa pagbabakuna ng mga 12 hanggang 17 taong gulang na mga Pilipino.
Inialok ni PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar ang mga kampo ng pulisya para maging vaccination sites ng mga dependents ng mga tuhan ng pambansang pulisya.
Inatasan na rin ni Gen. Eleazar si PNP Deputy Chief PNP for Administration at Administrative Support on COVID Operation Task Force Commander PLt. Gen. Joselito Vera Cruz na ilista ang mga anak ng pulis at ng kanilang civilian employees na 12 to 17 years old.
Paliwanag ng chief PNP, ang paggamit sa mga kampo ng pulisya bilang vaccination sites ay tulong na rin nila sa Local Government Units (LGU).
Makababawas aniya ito sa mga dadagsa sa mga vaccination sites ng LGU at para makaiwas na rin sa pagkukumpulan ng mga tao na posibleng maging sanhi ng hawaan ng virus.
(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)
Tags: PNP, Vaccination Site