Mga kalsada patungong Malacanang, hindi ipapasara sa inagurasyon ni Pres. Elect Rodrigo Duterte

by Radyo La Verdad | June 30, 2016 (Thursday) | 8293

KALSADA
Bukod sa simple lamang na inagurasyon ni President Elect Rodrigo Duterte na isasagawa ngayong umaga sa Malacanang, hindi rin magiging sagabal sa mga motorista ang naturang seremonya dahil walang ipapasarang kalsada sa paligid ng Malacanan.

Maging sa mga lugar na dadaanan ng mga VIP at bisita ni Dutere mula sa PICC ay bukas din sa publiko

Karaniwan na sa mga nagdaang inagurasyon ang pagsasara ng mga kalsada sa paligid ng pagdadausan nito dahil na rin sa inaasahang dagsa ng mga tao bago ang inagurasyon

Gaya na lamang noong manumpa sina Pangulong Noynoy Aquino at Vice President Jejomar Binay sa Quirino Grandstand noong 2010 kung saan ipinasara ang mga pangunahing kalsada patungo sa venue.

Ang mga miembro lamang ng diplomatic corps ang papayagang makapagdala ng sasakyan sa loob ng Malacanang grounds dahil na rin sa limitadong lugar ng paradahan

Ang mga inaasahang bisita ni Duterte ay didiretso muna sa PICC para sa security check

Pagkatapos nito ay ihahatid sila ng shuttle bus sa Malacanang.

Mahigit sa sampung bus ang inilaan para dito.

Inaasahang magdadatingan ang mga dadalo sa inagurasyon bago magalas diyes ngayong umaga.

Una ng sinabi ni Ambassador Marciano Paynor Jr., pinuno ng inauguration committee, na sinusunod nila ang atas ni Duterte sa pagsasagawa ng simpleng inagurasyon at hindi magdudulot ng abala sa mga motorista lalo na sa paligid ng Malacanang.

(Jerico Albano/UNTV Radio)

Tags: ,