Nagtagisan ng galing sa tv script writing and broadcasting contests tagalog category ang isangdaan at dalawamput anim na mga estudyanteng kalahok sa 97th National Schools Press Conference 2017 sa Pagadian City, Zamboanga del Sur.
Kumpleto ang participants mula sa labingwalong rehiyon at bawat isa sa kanila ay umaasang mananalo ay magkakampeon sa naturang mga kategorya.
Pinaghandaan anila ng matagal na panahon ang kumpetisyon sa pamamagitan ng pagsailalim sa trainings.
Maliban sa tv broadcasting, maglalaban rin ang mga ito sa radio script writing and broadcasting, collaborative desktop publishing, at online publishing contests.
Para naman sa individual category ay ang editorial writing, news writing, feature writing, sports writing, editorial cartooning, copyreading and headline writing, photojournalism, and science and technology writing.
Samantala, kabilang naman sa mga hurado ay ang ating kasambahay at reporter na si Aiko Miguel.
Ikinatuwa nito dahil bukod sa napasama siya sa mga hurado bahagi na rin ito ng kanyang karanasan na makapunta sa mindanao sa unang pagkakataon partikular sa rehiyon ng Zamboanga na madalas lumalabas sa balita na magulo.
Bukas ng hapon ang inaasahang awarding ng mga mananalong rehiyon o paaralan.
(Dante Amento / UNTV Correspondent)
Tags: Mga kalahok sa National Schools Press Conference 2017, sumabak na sa tv script writing and broadcasting contests