Mga kakaibang imbensiyon ng ilang kabataan, tampok sa Science and Technology Week sa Cebu

by Radyo La Verdad | July 28, 2016 (Thursday) | 1072

GLADYS_SCIENCE&TECHNOLOGY-WEEK
Isinasagawa ngayon sa Cebu ng Department of Science and Technology ang National Science and Technology Week.

Layunin ng event, na may temang Juan Science, One Nation, na ipaunawa sa publiko ang kahalagahan ng agham at teknolohiya sa pag-unlad ng pamumuhay at pangangalaga sa kapaligiran.

Ayon sa DOST, ang Science and Technology Week ay magsisilbi ring avenue ng mga kabataang mahihilig sa siyensiya na ipakita ang kanilang mga kakaibang imbensiyon na maaaring pakinabangan ng publiko.

Gaya na lamang ng anti-ripening paper, portable energy saving solar-powered cold water dispenser, hydro-lamp o water-powered light system at photo-catalytic hand sanitizer.

Ginawa ito ng mga estudyante mula sa Philippine Science High School Central Visayas na isinali at nanalo na rin sa isang international event.

Highlight ng pagdiriwang na maipakita ang kakayahan ng mga Pilipino sa larangan ng Science and Technology na maaaring pakinabangan ng mga Pilipino.

(Gladys Toabi / UNTV Correspondent)

Tags: