Mga kadete na nambugbog sa anim na graduates ng PNPA Maragtas Class, ipatatanggal ng Napolcom

by Radyo La Verdad | March 26, 2018 (Monday) | 5996

Hindi katanggap-tanggap ang insidente ng pambubogbog sa Philippine National Polie Academy (PNPA) noong March 21, matapos ang graduation rites ng Maragtas Class of 2018.

Ayon kay Napolcom Vice Chairman Rogelio Casurao, magsasagawa sila ng sariling imbestigasyon kung bakit nabugbog ang anim na bagong graduate.

Aniya, hindi na dapat magtagal sa academy ang mga kadete na nambugbog dahil sa hindi magandang disiplina ng mga ito. Dapat din aniyang makasuhan ang mga ito ng kriminal at administratibo.

Naaalarma naman si PNP Chief PDG Ronald Bato Dela Rosa sa ugali ng mga kadete.

Aniya, kung bahagi ito ng tradisyon, hindi aniya tama na bugbugin na halos mamatay na ang mga biktima dahil sa mga tama sa ulo.

Sinabi naman ni PNPA Director Chief Superintendent Joseph Adnol, sa apatnapu’t isang kadete na sangkot sa pambubugbog, siyam ang maaring kasuhan ng kriminal at labinlima naman ay mahaharap sa administrative case.

Ayon kay Adnol, personal na galit ang motibong nakikita nila sa insidente. Kinumpirma rin nito na nakalabas na ng ospital ang anim na sugatan at ligtas na sa ano mang kapahamakan.

 

( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,