Ang buwan ng Abril ay itinuturing na Earth month sa bansa sa bisa ng Proclamation No. 1482.
At ngayong taon, iba’t ibang aktibidad ang inihanda ng Department of Environment and Natural Resources para sa selebrasyon na pangungunahan ng mga kabataan.
Layon nitong mapalawak ang kaalaman ng mga kabataan at himukin silang tumulong sa pangangalaga sa kapaligiran kontra climate change.
Highlight din sa selebrasyon na mai-promote ang kahalagahan ng pagtatanim ng mga puno at matulungan ang komunidad na maabot ang long-term economic and environmental sustainability.
Magsasagawa rin ang DENR ng study tour, orientation at advocacy campaign sa mga paaralan hinggil sa environment and natural resources policies upang mapaunlad ang kamalayan ng mga estudyante.
Simultaneous mangrove planting at clean-up drive naman ang isasagawa sa iba’t ibang coastal areas sa rehiyon.
Ipapakita rin nila ang best practices at success stories ng national greening program ng pamahalaan sa Central Visayas.
Sinimulan ang programang noong 2011 na may layuning makapagtanim ng isang bilyong puno sa isang milyong ektarya ng lupain sa bansa sa loob ng anim na taon.
(Gladys Toabi / UNTV Correspondent)
Tags: Abril, Earth month, mga kabataan