Mga kabataan na 15 hanggang 17 taong gulang, papahintulutang sumailalim sa HIV testing kahit walang consent ng magulang alinsunod sa IRR ng Phil Hiv and Aids Policy Act

by Erika Endraca | July 15, 2019 (Monday) | 6355

MANILA, Philippines – Nilagdaan na noong Biyernes (July 12)  ang Implementing Rules Ans Regualtions (IRR) ng Republic Act 11166 o ang Philippine Hiv and Aids Policy Act (Phil-HIV).

Layon ng naturang IRR na mas maging detalyado ang mga probisyon sa pagpapatupad ng naturang batas. Itinatag ang batas upang makatulong na maagapan ang patuloy na paglobo ng HIV- Aids sa bansa.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ang isa sa pinakamahalagang probinsyon sa IRR ng batas ay ang pagpapahintulot sa mga kabataang edad 15n hanggang 19 na taong gulang na sumailalim ng HIV testing kahit walang parents’ consent.

Ang mga kabataan edad 15 taong gulang pababa na maagang nagbubuntis at kabilang sa itinuturing na may “high-risk behavior” ay maaari din namang sumailalim sa HIV testing at counselling nguni’t dapat ay kasama ang assistance ng isang licensed social worker o health worker.

Noong taong 2008, isa lang kada araw ang naitatalang bagong kaso ng HIV sa bansa. Sa tala ng DOH Abril ngayong taon, 36 na kada araw ang bagong HIV cases.

Isang bagay na nakaka-alarma aniya lalo na’ t 15 taong gulang ang pinakabatang naitatalang positibo sa HIV o people living with HIV o PLHIV.

Sa ilalim din ng batas ay magkakaroon ng tiyak na gamutan gaya ng na nasa mga ospital, rehab centers at close setting institutions na kumakalinga sa mga PLHIV. Dahil mas pinabuti na rin ang gamutan o ang antiretroviral treatments para sa PLHIV.

Ang batas ay mahalaga upang malinang ang treatment care and support para sa mga Plhiv. Ang naturang proposed budget aniya sa mga programa sa pagpapagamot ng PLHIV ay nagkakahalaga ng 1.2 billion pesos.

Sa kasalukuyan ay may 125 HIV/ AIDS treatment hubs sa buong bansa. Sa kabuoan nasa 840 na ang bagong HIV cases sa bansa nitong Abril.

Mahigit 64,000 HIV cases na rin sa bansa ang naitala simula noong 1984 kung saan naitala ang kauna-unahang HIV case sa bansa.

(Aiko Miguel | Untv News)

Tags: ,