Nagpaalala ang Department of Health sa mga kababaihang buntis na iwasan munang bumiyahe sa Singapore at iba pang mga bansang apektado ng Zika virus.
Ito’y upang maiwasan ang posibleng pagpasok ng mapanganib na virus sa bansa.
Sa ngayon ay mahigpit na minomonitor ng Bureau of Quarantine ang lahat ng mga pasahero na pumapasok sa Pilipinas galing sa mga bansang patuloy ang pagtaas ng kaso ng Zika virus infection.
Paalala ng ahensya sa mga pasahero, sagutan ng tama ang health declaration checklist, at kung makaramdam ng lagnat sa loob ng pitong araw, magmula ng dumating sa bansa ay agad na makipagugnayan sa alinmang DOH-Referral Hospital.
Maaari ring tumawag ang sinoman sa ating mga kababayan o maging ang mga foreign national sa DOH hotline numbers sa 711-1001 at 711-1002, para sa anumang impormasyon hinggil sa Zika virus.
Tags: apektado ng Zika virus, Mga kababaihang buntis, pinayuhang huwag munang bumiyahe sa Singapore at iba pang mga bansa