Mga kababaihan sa El Salvador, pinipigilan munang magbuntis hanggang 2018 dahil sa zika virus

by Radyo La Verdad | January 29, 2016 (Friday) | 1826

ZIKA
Nangangamba ang mga kababaihan sa El Salvador dahil sa lumalaganap na epidemya ng zika virus.

Bunsod nito nakikiusap ang pamahalaan sa mga ina na huwag munang magbuntis mula ngayon hanggang sa taong 2018.

Ayon sa US Center for Disease and Control, ang zika virus ay mula sa lamok at maaring magdulot ng lagnat, rashes, joint pain at conjunctivitis.

Ang virus ay maaaring maka-apaketo sa fetus habang ipinagbubuntis ng ina.

Pangunahing sinisira nito ang brain tissues ng sanggol na nauuwi sa microcephallus o pagliit ng ulo at hindi kumpleto ang brain development.

Sa ngayon ay wala pang natutuklasang lunas o vaccine laban sa zika virus.

Umaabot na sa 3, 896 ang infected ng zika virus sa El Salvador.

Sa ngayon ang zika virus ay matatagpuan sa 21 bansa sa The Caribbean, North and South America.

Bukod sa El Salvador, nagbabala na rin ang mga bansang Colombia, Ecuador at Jamaica sa mga kababaihan na huwag munang magbuntis.

Pinakamaraming kaso ng impeksyon ay naitala sa kasalukuyan sa Brazil kung saan umabot na sa mahigit isang milyon ang infected ng virus, at may 4,000 sanggol na ang isinilang na may microcephally.

(Harlem Hechanova/UNTV News)

Tags: ,